-- Advertisements --

Mas pursigido ang Taiwan at mas handa na lumaban para sa kanilang demokrasya.

Ito ay kasunod ng pagpapataas pa sa kanilang pondo para sa kanilang sektor pandepensa

Ayon kay Bombo International Correspondent Reynand Fenolan Dumala-on mula sa Taiwan, ito ay dahil sa matibay na paninindigan nila na maipakita ang magandang halimbawa ng paglaban sa kanilang kalayaan bilang isang nasyon.

Aniya, papalo ngayon sa 19B US dollars ang ilalaan nilang pera sa papapaigting ng kanilang militry resources para madepensahan ang kanilang teritoryo.

Ito ay ilalaan sa pagbili ng mga aircrafts, kagamitang pandagat, at panlupa, gayundin ang para sa pagsasanay ng kanilang sandatahang panlakas.

Bukod pa sa nabanggit na pondo, nagbigay rin umano ng pledge ang mga mayayamang mga Taiwanese ng nasa 100M US dollars para makatulong ito sa paghahanda ng kanilang gobyerno sa kanilang seguridad.

Mayroon na ding pinirmahang militry maintenance ang Taiwan sa US na nagkakahalaga ng nasa 100M US dollars upang mapanatili ang ugnayang pandepensa at ugnayang seguridad sa pagitan ng dalawang bansa at maging ang pagyabong pa ng husto ng kanilang depensa mula sa mga nais na sumakop sa kanila gaya na lamang ng sa China.

Sa kanya ring pagtatanong sa mga mamamayan sa Taiwan, nakahanda umano sila na tumulong sa pamahalaan sakaling may maganap na giyera dahil nais nila na maging tuluyan nang malaya ang kanilang bansa mula sa ginagawang mga pagbabanta ng China.

Matatandaang mas umiigting pa rin ngayon ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang ilang hindi pagkakaintindihan sa nakasaad sa kanilang “One China policy.”