-- Advertisements --
pia cayetano 1

Kinuwestyon ng isang mambabatas ang pagpapasuot ng kumpletong Personal protective equipment (PPEs) sa mga overseas Filipino workers.

Sa isang privilege speech, sinabi ni Senator Pia Cayetano na siya mismo ay nagulat na makita ang grupo ng mga Pilipino na nakasuot ng full PPEs na kalaunan ay kaniyang nalaman na mga OFWs pala.

Kaya naman, inalerto ng Senadora si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople sa naturang usapin at nangako naman ang DMW chief na kaniyang sisiyasatin ang ipinadalang mga larawan na nakuhana sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakalipas na August 23, 2022.

Pinunto din ni Cayetano na maraming mga bansa na ang nagtanggal ng kanilang mahigpit na covid-19 protocols kabialng ang pagsusuot ng face shields at pagpresenta ng negatibong RT-PCR test result.

Inihalimbawa din ng Senadora na sa UAE, hindi nanirerquire ang pagpresenta ng RT-PCr test at pagsusuot ng PPE.

Hinikayat din ng mambabatas ang mga migrant at airport authorities na busisiin ang kaso ng ilang overseas filipino workers na pinagsusuot pa rin ng personal protective equipment