-- Advertisements --
image 173

Binuhay ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang kanyang matibay na pangako sa pagpapanatili ng mayamang culinary heritage ng Pilipinas habang ipinagdiriwang ng bansa ang Filipino Food Month.

Aniya, sa pamamagitan ng pagsulong at paglinang ng culinary output, nagagawang mapahusay ang katayuan at prestihiyo ng ating bansa sa loob ng pandaigdigang culinary realm.

Binigyang-diin ni Legarda ang kanyang pangako na ipagpatuloy ang kanyang mga adbokasiya ng pagtataguyod ng diverse gastronomical history ng bansa sa pamamagitan ng mga patakaran at batas na namamahala sa bansa.

Noong nakaraang taon, ipinakilala niya ang Senate Bill No. 244, o ang Philippine Culinary Heritage Act of 2022, na nakatuon sa paglinang at pagpapanatili ng kultura sa pamamagitan ng pagsasama sa sektor ng edukasyon habang pinapanatili nuti ang mga tradisyonal na sangkap at paraan ng pagluluto.

Sinabi ni Legarda na ang panukalang batas ay nagtataguyod ng food education sa mga Pilipino, na gumaganap ng mahalagang papel sa paghubog ng pag-uugali patungo sa pagkain, na humahantong sa healthier habits at pagpapahalaga sa mga lokal na ani.

Inihain niya ang Senate Bill No. 240, o ang Zero Food Waste Act of 2022, na naglalayong isulong ang pagbabawas ng basura ng pagkain sa pamamagitan ng muling pamamahagi at pag-recycle.

Sinabi ni Legarda na ito ay makabuluhang tutugon sa kagutuman at pag-aaksaya ng pagkain dahil ang panukalang batas na ito ay naglalayong sa mga ahensya ng gobyerno nna isagawa ang National Zero Food Waste Campaign at bumuo ng Food-related Business Waste Reduction Strategy, bukod sa iba pa.