-- Advertisements --

Ikinalugod ng Bayan Muna ang naging pasya ng Supreme Court (SC) na pagmultahin ng P921.5 million ang Manila Water, Maynilad at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ayon kay Rep. Carlos Isagani Zarate, welcome development para sa kanila ang naging pasya ng SC dahil sa paglabag ng tatlo sa Philippine Clean Water Act.

Ang naturang desisyon aniya ay matinding paalala sa MWSS at dalawang water concessionares na seryosohin ang pangangalaga sa kapaligiran at sanitation.

Paalala rin daw ito sa sinumang nagtatapon ng maruming tubig sa mga daluyan tulad ng nangyayari sa Manila Bay na ngayon ay kailangan nang i-rehab.