-- Advertisements --

Itinanggi ng Department of Education (DepEd) ang claims kaugnay sa umano’y planong i-rebrand o papalitan ang pagtuturo ng Martial Law sa Bagong Lipunan sa basic education curriculum.

Ayon kay Education Spokesman Michael Poa wala itong katotohanan.

Ito ay kasunod ng isang post na kumakalat onilne kung saan sinasabi ng isang netizen na isang professor mula sa Univesity of Philippines ang naimbitahan umano ng DepEd para talakayin ang mga pagbabago na gagawin sa pagrebisa basic education curriculum.

Nais umanong palitan ang terminolohiyang “Batas Militar” sa “Bagong Lipunan” sa lahat ng curriculum dahil ayaw umano nila ng ano mang offensive o makkasakit sa Pangulo sa basic education curriculum.

Una nga rito, lumutang ang posibilidad na magkaroon ng revisionism sa kasaysayan ng bansa o sa history textbooks nang maupo ang Pangulong Marcos Jr.

Pero una na ring itinanggi ng Pangulo ito at maging ng presidential sister na si Senator Imee Marcos na nanindigan na ang mga akusasyon laban sa kanilang pamilya may kaugnayan sa Martial Law ay pawang propaganda lamang na ginamit para sa piolitical reasons.