CAUAYAN CITY- Nanatiling mapayapa at hindi ramdam ng mga residente sa Taiwan ang pagiging agresibo ng bansang China sa patuloy na panghihimasok nito sa kanilang bansa
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Joey Jacinto Antonio, OFW sa Taiwan at tubong Pulay, Luna Isabela, sinabi niya na batay sa kanilang mga nakakalap na imposmasiyon mula mismo sa mga taiwanese, malinaw ang paninindigan nilang hindi papasakop sa bansang China.
Aniya, iginigiit ng mga residente ng Taiwan ang kanilang kagustuhang maging malayang bansa na hindi papasakop sa pamumuno at kapangyarihan ng China.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pagpapalipad ng China ng mga military figther jets sa Taiwanese Air Defence Zone.
Sa ngayon ay nanatiling kalmado at hindi nararamdaman ang tensiyon sa dalawang bansa sa kabila ng patuloy na pagpapakita ng opensiba ng bansang China.
Bilang tugon naman sa mga ipinapakitang opensiba ng China ay tuloy tuloy rin ang pagpapalipad ng aircratfs ng taiwanese government upang matiyak ang kanilang seguridad.