-- Advertisements --

Tuloy-tuoy ang pagpapakawala ng Hamas ng mga bihag nila mula ng ipatupad ang dalawang araw na ceasefire extension.

Sa unang apat na araw ay mayroong 81 na hostages na karamihan ay mga kababaihan at kabataan ang pinakawalan na ng Hamas habang ang Israel ay mayroong 150 na Palestinians ang pinakawalan mula sa pagkakabilanggo.

Karamihan sa mga ikinulong ng mga Israel na Palestinians ay mga kababaihan at kabataan rin na hindi naman nila nasampahan ng anumang kaso.

Nasa Qatar ang ilang opisyal ng US para muling isaayos ang dagdag na araw na tigil putukan ng tuluyang madagdagan ang mga bihag na mapapalaya at makadaan ang mga humanitarian aide.