-- Advertisements --

Mariing tinutulan ng Makabayan bloc sa Kamara ang panawagan na palawigin pa ang emergency powers na iginawad kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Sa kabila kasi ng malwakang kapangyarihang ibinigay ng Kongreso ay bigo anila ang Pangulo na makabuo ng isang komprehensibo, napapanahon at epektibong tugon sa epekto ng COVID-19 pandemic sa oras na tanggalin na ang lockdown.

“The Duterte administration has only shown the people snail-paced action on the matter of health and socio-economic solutions, as can be seen in the President’s weekly reports and other government data,” saad ng grupo.

Sa katunayan, sapat anila ang panahon na ibinigay sa administrasyon magmula nang ipinatupad ang lockdown noong Marso subalit hanggang sa ngayon ay palyado pa rin ang ipinapatupad na medical strategies .

“The people had been enduring a harsh, generalized nationwide lockdown—thrice extended and the longest in the world—yet government has not seized the opportunity to increase the capacity of the public health system and other institutions to implement these measures,” dagdag pa ng grupo.

Hanggang sa ngayon, tila panaginip pa rin anila ang mass testing dahil base sa mga datos ang nationwide testing rate noong nakaraang linggo ay kulang-kulang pa ng 10,000, malayo sa sinasabing testing capacity ng IATF na 30,000.

Kapuna-puna rin ayon sa grupo ang backlogs sa Social Amelioration Program ng DSWD, DOLE at DA na umaabot sa 609,538 beneficiaries.

Dahil dito, hindi anila marapat palawigin pa ang emergency powers ng Pangulo.