-- Advertisements --

Napagdesisyunan ng mga opisyal mula United States disease control na mas palawakin pa ang testing criteria para sa hinhinalang bagong uri ng coronavirus matapos kumpirmahin ang kaso ng hindi pa nalalamang impeksyon sa California.

Ayon kay Robert Redfield, direktor ng US Centers for Disease Control and Prevention, magsasagawa umano ng congressional hearing ngayong araw upang alamin kung ligtas pa ang mamamayan ng Amerika sa COVID-19.

Ngunit gagawin lamang daw ang naturang test sa oras na magpakita ng sintomas ang pasyente ng coronavirus.

Una nang naglabas ng abiso ang CDC na uunahin nilang suriin ang mga taong bumisita ng China o di-kaya’y nagkaroon ng close contact sa mga pasyenteng positibo sa virus.

Saad pa ni Redfield na hindi malabo ang posibilidad na kumalat ang coronavirus sa Amerika. Nanawagan din ang direktor sa US government na pagtuunan ng pansin ang pag-improve sa testing system.

Mayroon ng 18 kumpirmadong kaso ng naturang virus sa US. Hindi pa kasama sa bilang ang mga pasahero na inilikas sa Diamond Princess cruise ship na isinailalim sa quarantine sa Japan.