-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nanawagan ngayon ang mga Health officials sa pagpapaunlad pa ng disease testing laboratories sa Mindanao sa gitna nang patuloy na pagtaas ng kaso ng (COVID-19). 

Binigyan diin ni Dr. Leopoldo Vega, chief ng Southern Philippines Medical Center, na mahalagang mapalakas ang mga laboratoryo sa kanilang lugar hindi lamang dahil banta pa rin ang COVID-19 kundi paghahanda na rin sa iba pang mga sakit sa hinaharap.

Hinimok naman nito ang mga private hospitals na magtayo ng kanilang sariling laboratoryo upang sa gayon ay makatulong na rin sa pamahalaan sa gitna ng kinakaharap na krisis.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Lenny Joy Rivera, assistant regional director ng Department of Health, na ang Davao Regional Medical Center (DRMC) ay nagpadala na ng letter of intent para makapagsagawa na rin sila ng COVID-19 testings.