Walang epekto sa ginagawang review ng Department of Justice hinggil sa mga illegal drug operations ang pagpapaimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa napaulat na human rights abuses sa Pilipinas, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
Sinabi ni Guevarra na ang hakbang na ginawa ng Office of Prosecutor ng ICC ay hindi rin makakaapekto sa Philippines-United Nations (UN) joint program on technical cooperation on human rights.
Kagabi, sinabi ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na nag-apply na siya para sa pagpayag ng Pre-Trial Chamber ng ICC hinggil sa pagsisimula nang imbestigasyon sa human rights situation sa Pilipinas.
May kaugnayan ito sa mga krimen na nasa hurisdiksyon ng ICC na umano’y nangyari sa Pilipinas sa pagitan ng Nobyembre 1, 2011 at Marso 16, 2019 patungkol sa War on Drugs campaign ng Duterte administration.










