-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Pagpapanatiling mapayapa at maayos.

Ito ang prayoridad ng bayan ng Sta. Maria sa kanilang bayan sa ilalim ng pamumuno ni PCapt. Landro Velasquez, ang kasalukuyang Chief of Police ng Sta. Maria Municipal Police Station.

Aniya, hindi nila pababayaan ang kanilang tungkulin bilang mga tagapagpatupad ng batas kung saan regular ang kanilang pagsasagawa ng checkpoints at police visibility sa mga lugar na prone sa mga aksidente at malapit sa mga paaralan.

Ibinahagi rin nito na sa kabila ng napapalibutan sila ng mga malalaking bayan gaya ng Rosales, Asingan, at Tayug, bihira umano ang kanilang naitatalang mga krimen sa lugar.

Samantala, nagkaroon na rin sila ng mga arestadong indibidwal na may kinalaman sa ilegal na kalakaran ng droga noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, idineklara na ang bayan ng Sta. Maria bilang Drug Cleared Municipality.

Patuloy pa rin naman aniya ang kanilang pagmomonitor sa mga barangay upang maiwasan ang pagpasok ng illegal na gawain sa kanilang lugar.