-- Advertisements --
Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines Western Command na makakatulong sa kanilang patrol operations sa West Philippine Sea, ang pagdating doon ng dalawang military assets
Maalalang kamakailan ay ipinadala doon ang anti-submarine warfare (ASW) frigate ng Philippine Navy, ang BRP Antonio Luna (FF151), at ang AW159 Wildcat” helicopter.
Ayon sa Western COmmand, ang presensya ng dalawang military assets ay nagpapakita ng kahandaan ng AFP at commitment na ipagtanggol ang mga maritime interest ng Pilipinas.
Idedeploy kasi ng AFP ang dalawang military assets sa western border ng bansa upang tumutok sa mga maritime patrols.
Ito ay upang matiyak ang presensiya ng hukbo sa kanlurang bahagi ng Pilipinas, o ang West Philippine Sea.