Sinisikap ng mga economic manager ng Pilipinas na mapabuti ang value-added tax (VAT) ng bansa matapos ipakita ng mga pag-aaral na ito ang may pinakamababang antas ng kahusayan sa rehiyon.
Kung matatandaan, nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamababang VAT efficiency ratio sa ASEAN region mula 2016 hanggang 2020.
Ito ay sa kabila ng may pinakamataas na VAT rate sa rehiyon sa 12 percent, batay sa International Monetary Fund Tax Reform Database.
Ang VAT efficiency ay tinukoy na revenue na nakuha bilang isang porsyento ng pagkonsumo o Gross DOmestic Prorduct, para sa bawat punto ng rate ng buwis.
Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, nakolekta ng gobyerno ang P723 billion mula sa VAT taun-taon mula 2016 hanggang 2020, o 40% lamang ng lahat ng inaasahang koleksyon ng VAT.
Kung ikukumpara sa Pilipinas, ang Indonesia ay may 0.50 VAT efficiency level na may 11 percent VAT rate, ang efficiency ng Singapore ay nasa 0.71 habang ang VAT rate nito ay nasa 8 percent lamang.
Bago ang mga reporma sa buwis, ang Pilipinas ay may 56 na linya ng mga exemption at isang karagdagang 84 na mga exemption sa ilalim ng mga espesyal na batas.
Una nang sinabi ni Diokno na mas maganda ang sistema ng buwis na minana sa dating administrasyon ni Rodrigo Duterte kaysa sa nakaraang administrasyon.