-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Iminungkahi ni Chito Chavez, presidente ng Panaderong Pilipino at may ari ng Tinapayan Festival na babaan ang pagkonsumo ng asukal sa pandesal sa harap ng nararanasang pagmahal ng presyo ng ilang sangkap sa paggawa ng tinapay.

Reaksyon niya ito sa harap ng pangamba na posibleng magkulang ang suplay ng asukal sa bansa sa Agosto sakaling ipagbawal ng pamahalaan ang importasyon ng asukal.

Ayon kay Chavez, kung bababaan ng 10 percent ang konsumo ng asukal sa pandesal ay malaking bagay na sa industriya bukod sa maibabalik ang dating fomula ng pandesal.

Sa kasalukuyan ay naging sweet bread na ang pandesal sa halip na salty bread.

Sinabi nito na itinututulak nila ang traditional na pamamaraan sa paggawa ng tinapay noong 1960s dahil bukod sa malaking tulong sa mga kumakain ng tinapay at sa bakery industry ay mahalaga din ito sa kalusugan ng bawat mamamayan.