-- Advertisements --

Binigyang halaga ni Vice President Sara Duterte ang pagmamahalan ngayong Pasko.

Sa kaniyang mensahe ngayong kapaskuhan, sinabi ng ikalawang pangulo na dapat pahalagahan ang magandang relasyon sa pamilya at ang mga nangangailangan.

Ang kapaskuhan aniya ay nagsisilbi bilang tagumpay at pagdiriwang ng paniniwala sa Diyos.

Hinikayat din nito ang publiko na tulungan ang mga nagugutom, at mga hikahos sa buhay.