Binulabog naman ang ilang mga residente sa China matapos na maitala ngayon ang 17 panibagong kaso.
Dahil dito inilagay kaagad sa lockdown ang siyudad ng Shulan.
Sinasabing ang pinagmulan ng bagong kaso ay isang laundry woman na 45-anyos na nahawa na rin ang mga miyembro ng pamilya nito.
Ang pasyente ay wala naman daw travel history.
Ang Shulan ay isang Jilin province na nasa border ng North Korea.
Ang NoKor ay nagsasabing wala silang virus cases pero duda ang mga observers na nagsisinungaling ang kumunistang bansa.
Iniulat naman ng National Health Commission (NHC) na lima sa mga bagong kaso ay nagmula sa local transmissions sa Wuhan.
Kung maalala ang naturang capital ng Hubei province sa central China ay unang tinawag na ground zero sa global pandemic.
Bago ito, huling nagkaroon ng kaso ang Wuhan mag-iisang buwan na.
Nangangamba tuloy ang ilan baka paparating na ang tinaguriang second wave ng mga kaso.
Sa huling tala ng NHC nasa 82,918 ang kabuuang COVID-19 patients.
Habang mahigit naman sa 4,600 ang mga namatay na.