BUTUAN CITY – Naniniwala si Sison, Surigao del Norte Mayor Karissa Fetalvero-Paronia na politically motivated ang paglusob ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa tatlong barangay ng kanilang bayan.
Sa panayam ng Bombo Radayo Butuan, inihayag ni Paronia na may pulitiko na nasa likod ng ginawa NPA.
Tinatakot aniya ng mga NPA ang mga residente para huwag siyang suportahan sa halalan sa susunod na taon.
Propaganda lamang din aniya ang ibinibintang sa kanya na siya ay may kinalaman sa pagpatay sa ama ng pinakataas na opisyal ng grupo sa Surigao del Norte na si Ka Edroy noong Setyembre 11, 2020.
Matatandaan na nitong nakaraan buwan ay pinasok rin ng mga rebelde ang barangay Ima at hinakayat isang dating konsehal na tumakbo sa ilalim ng patrido ng oposisyon at nangakong susuportahan ito.