-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inilunsad ng US Embassy ang National Aeronautics and Space Administration 2019 International Space Apps Challenge sa Lungsod ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay US Embassy to the Philippines Cultural Attache Matt Keener, sinabi nito na ang nasabing space apps challenge ay nagsimula noong 2012.

Ayon kay Keener, ipinapakita sa aktibidad ang samu’t-saring problema na may kinalaman sa kapaligiran, Siyensya, kalawakan at iba pa, upang magawan ng solusyon.

Ani Keener, layunin nito na ipakita sa mga kabataan ang data mula sa National Aeronautics and Space Administration upang sila mismo ang makagawa at makapagbigay ng solusyon sa problemang kinakaharap ng komunidad.

Umaasa naman si Keener na ang tatanghaling global champion ngayong taon ay magmumula mismo sa Iloilo.