-- Advertisements --
image 107

Malaking pakinabang umano para sa mga magsasaka ang pagbibigay ng pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lumikha ng Water Resource Management Office (WRMO).

Ayon kay Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez, makakaagapay ito sa pangangailangan ng mga nasa agricultural sector na mapabuti ang maayos at sapat na supply ng tubig.

“I laud President Marcos for heeding the numerous calls for better management of a very important natural resource in our country, which is water. It is commendable that our President is now using our natural resources for the needed gains of our farmers and people,” wika ni Suarez.

Matatandaang si Suarez ang nagsulong ng House Bill No. 5941 para mabuo ang comprehensive program para sa tama at murang water system na tutugon sa paulit-ulit na kakulangan ng tubig sa mga lupang sakahan.

“Sa pagtatalaga ng isang Water Resources Management Office, higit na madali na nating mabubuo ang aking ipinapanukalang National Water Use Plan na naglalayong mabigyan ng maayos na access sa at supply ng tubig ang ating mga magsasaka. Nakasisiguro ako na itong combo package na ito ay magpapatatag sa adhikain ng Marcos administration na ayusin ang food security sa ating bansa,” dagdag pa ng opisyal.

Naniniwala rin ang mambabatas na proposed comprehensive water program ay nagtutugma sa itinutulak ng pangulo na National Farm-to-Market Road (FMR) masterplan, na nakatuon ang pansin para sa food security at tulong na rin sa rural communities.

“Sa pagtutulungan ng Kongreso at ng administrasyon ni Pangulong Marcos, nakasisiguro po ang mga magsasaka sa ating bansa na sila ay magkakaroon ng maayos na suplay ng tubig para sa kanilang mga pananim. Sama-sama nating sisiguruhin na magiging maayos ang food supply sa ating bansa,” saad pa ni Suarez.

Para naman kay Pangulong Marcos, anumang panukalang makakatulong sa layunin ng administrasyon na mapatatag ang kapasidad ng bansa sa paglikha at pagpapalago ng produksyon ng pagkain ay welcome sa kaniyang administrasyon.