-- Advertisements --

Naniniwala ang isang party list solon na ang paglikha ng Department of Corrections ay “magi-rightsize” sa jail management system ng bansa at matiyak ang maayos na paggamit at episyenteng pagpapatakbo ng penal at reformation facilities ng bansa.

Ayon kay Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan, taliwas ito sa mga maling akala na ang kaniyang panukala na magbuko ng bagong departamento ay lalo lamang lolobo ang burueaucracy.

Binigyang-diin ni Yamsuan na layon ng kaniyang panukala na makamit ang “greater efficiency and accountability” sa pagpapatakbo ng mga kulungan sa bansa.

Si Yamsuan ang principal author ng House Bill (HB) 8672, na naglalayong makapag likha ng Department of Corrections and Jail Management (DCJM) na siyang magsu-supervise sa ibat ibang bureaus and offices na siyang in-charge sa pagpapatakbo ng penal and reformation programs para sa mga persons deprived of liberty (PDLs).

“Rightsizing the bureaucracy is not just about trimming or abolishing offices and departments. Rightsizing also means restructuring to improve performance. This is the primary objective of my proposal to create a new department or line agency that would integrate all the agencies involved in managing our correctional systems,” pahayag ni Yamsuan na dating assistant secretary of the Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa ilalim ng panukala pag-isahin ang pamahala sa Bureau of Corrections (BuCor) ng Department of Justice (DOJ); Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng DILG; Ang correctional and jail services ng mga provincial governments, Board of Pardons and Parole (BPP); at ang Parole and Probation Administration (PPA) ay ilalagay sa iisang departamento ito ay ang Department of Corrections and Jail Management (DCJM).

Sinabi ni Yamsuan na ang kanyang panukala na ilagay ang mga ahensyang ito sa ilalim ng iisang awtoridad ay katulad ng hakbang na lumikha ng Department of Migrant Workers (DMW), na pinag-isa ang iba’t ibang ahensyang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga overseas Filipino worker (OFWs).

” Creating the DCJM will help cut red tape within the current setup of the jail management system, where the need to go through layers of authority often hamper the efficient delivery of services,” pahayag ni Yamsuan.

Kasama rin sa DCJM ang pagtatatag ng electronic monitoring system na naglalaman ng impormasyon sa lahat ng PDL at nagbibigay din ng pagtatatag ng mga panrehiyong pasilidad ng correctional sa buong bansa.

Ang naka-encrypt na sistema ng pagsubaybay na ito ay magbibigay-daan sa DCJM na subaybayan hindi lamang ang kasaysayan at kinaroroonan ng mga PDL, kundi pati na rin ang kanilang pag-unlad sa paglahok sa mga programa sa rehabilitasyon, at higit sa lahat, ang kanilang oras sa pagkakakulong at ang kanilang mga proseso ng apela upang matukoy kung sila ay karapat-dapat para sa muling pagsasama sa lipunan.

Sinabi ni Yamsuan, kapag naitatag na, ang sistemang ito ang magiging unang hakbang sa pagtulong sa pag-decongest ng mga penal facility ng bansa na pinangangasiwaan ng BuCor, kung saan ang overcapacity ay umabot sa nakaaalarma na 321 percent.

Batay sa pinakahuling data, ang occupancy rate sa New Bilibid Prisons pa lamang ay nasa 477 percent, na humantong sa congestion rate na 377 percent.