-- Advertisements --
image 227

Isinusulong ngayon sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayon para sa paglikha ng agricultural information system (AIS) para mapigilan ang manipulasyon sa presyo ng mga food products gaya ng sibuyas.

Ang pagkakaroon ng nasabing sistema ay makakatulong din para mapigilan ang artificial shortages na posibleng kinakasangkapan ng mga hoarder para pagkakakitaan.

Ang isinusulong na Senate Bill No. 1374 o ang Agriculture Information System Act ay inihain noon pang nakalipas na taon para magsilbing online computer database kung saan maaaring makita ng publiko ang impormasyon sa demand para sa partikular na agricultural at fisheries commodities kalakip ang data sa produksiyon mula sa mga magsasaka sa bawat barangay.

Ipinunto din ng may-akda ng nasabing Senate bill na dapat na magkaroon ng regular stock balance at price monitoring ang Department of Agriculture sa lahat ng mga produktong pang-agrikultura na makakatulong sa polisiya at tamang panahon kung kailan dapat na mag-angkat nang hindi maaapektuhan ang local production ng ating mga kababayang magsasaka at matulungan din ang mga mamimili sa pamamagitan ng pagpapababa sa presyo ng mga pagkain sa bansa.

Sa oras na maipasa ito bilang batas, inaasahan na bubuti pa ang productivity ng mga magsasaka sa bansa sa pamamagitan ng paglikha ng nasabing sistema at matitiyak din ang sapat na suplay ng pagkain sa retail centers.

Mapipigilan din ang mga hindi nararapat na importasyon ng farm products na makakaapekto sa competitiveness ng mga magsasaka sa bansa.