-- Advertisements --
cropped Senate 5

Naghain ngayon ang dalawang senador ng panukalang batas para makapagbigay ng specialized health care sa tinayayang 10 million senior citizens.

Sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na sa ilalim ng Senate Bill 979 o ang Senior Citizens Hospital Act, tatawagin ang tertiary specialty hospital para sa geriatrics na mayroong 200-bed capacity na Philippine Geriatric Medical Center (PGMC).

Ipapatayo ang mga ito sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.

Dapat umanong i-adopt at ipatupad ng Philippine Geriatric Medical Center ang mga programa para sa mga indigents.

Kailangan daw ay mayroong mailaang hindi bababa sa 50 percent para sa kanila.

Gaya raw ng specialty hospitals para sa pediatric at obstetrics naniniwala ang senador na kailangan ding magkaroon ang mga seniors ng preferential care at assistance mula sa pamahalaan.

Naghain din si Senator Risa Hontiveros ng Senate Bill No. 1317 para palitan ang pangalan ng National Center for Geriatric Health na matatagpuan sa San Miguel, Manila bilang Philippine Geriatric Center.

Pero ito ay nasa ilalim pa rin ng direktang kontrol at supervision ng Department of Health (DoH).

Ang mga existing hospital development plan, kasakukuyang bed capacity at service capabilities kabilang na ang organizational structure at staffing requirements ay dapat na raw ma-update base sa panukalang batas ni Hontiveros.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong 2020, lumalabas na an mga senior citizens ay nasa 8.5 percent ng total household population o 9.22 million na mas mataas sa 7.5 percent o 7.53 million noong 2015.

Pagsapit daw ng 2030, ang Pilipinas ay magiging aging society kaya kailangan na ang pagpapatayo ng purpose-built facilities na magiging tugon sa kanilang pangangailangan lalo na ang mga walang support system o financial capability.

Noong Enero, 2022 nagpasa na rin ang Kamara ng panukang batas na lilikha sa National Center for Geriatric Health and Research Institute (NCGHRI) pero hindi na ito nag-prosper.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mandato ng National Center for Geriatric Health and Research Institute ay magtatag, mag-operate, mag-equip at magmintina ng integrated medical institution na mayroong specialization sa geriatric health services.

Habang ang mga medical facilities at geriatric specialty centers ay itatayo naman sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Base sa panukalang batas, imi-minimize nito ang hospital costs na nasa P50,000 kada pasyente at mapapaganda ang pangangalaga sa mga senior citizens.