Ihihinto ng Pilipinas ang pagtatayo ng mas maraming shelter para sa mga distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait kung bababa ang bilang ng mga tumatakas sa kanilang mga amo, ayon yan sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ito ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega nang tanungin kung ang pag-alis ng mga shelter sa Kuwait ay non-negotiable sa pag-aalala ng gobyerno ng Pilipinas.
Ipinunto ni De Vega na mahigit 500 OFWs ang shelters ng DFA noong mga nakaraang taon na kung saan tinatantya ng embahada na isa sa 400 OFW sa Kuwait ay kinukunsidera na mga runaways.
Mas mataas aniya ang bilang na ito kumpara sa ibang bansa sa Middle East.
Sa kabila nito, sinabi niya na ang DFA, kasama ang Department of Migrant Workers, ay itinuturing na isang “positive development” ang pagpapauwi sa mahigit 600 OFW mula sa Kuwait.
Dahil dito, bumaba na rin aniya ang bilang ng mga Pilipinong nananatili sa mga shelter, na bahagyang mahigit isang daan na lamang ang natitira doon.
Noong Mayo, sinuspinde ng gobyerno ng Kuwait ang lahat ng bagong visa para sa mga OFW nang walang katiyakan dahil sa mga naiulat na paglabag ng Pilipinas sa kanilang bilateral labor agreement na nilagdaan noong 2018.
Ang pagbabawal ay dumating tatlong buwan matapos sinuspinde ng Maynila ang deployment ng mga household service worker sa Kuwait dahil sa mga kaso ng pang-aabuso, kabilang ang pagpatay sa Filipina household worker na si Jullebee Ranara.