
Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroong nakalaang P5 billion para sa rehabilitasyon ng mga komunidad na napinsala dahil sa mga kaguluhan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kinumpirma ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na kaniyang inaprubahan ang Special allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P5 billion para sa Special Development Fund ng rehiyon.
Ito ay maliban pa sa P64.8 billion block grant para sa gobyerno ng Bangsamoro sa 2023 Budget.
Sa ilalim kasi ng RA 11054 o kilala din bilang Bangsamoro Organic Law, minamandato ang paggawad ng pamahalaan sa BARMM government ng P5 billion para sa Special Development Fund kada taon sa loob ng 10 taon para sa muling pagpapatayo, rehabilitasyon at pag-develop ng mga komunidad na nasira sa mga labanan.
Ang pinakahuling nangyaring conflict sa BARMM ay ang limang buwang Marawi city siege na nagtapos noong Oktubre 2017 sa ilalim noon ni datong Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagresulta ang labanan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at Maute group sa PHP17 billion pinsala sa ari-arian base sa data mula saTask Force Bangon Marawi (TFBM), ang inter-agency body ng gobyerno na in charge ng rehabilitation efforts sa conflict zone.














