-- Advertisements --

Nagbabala si House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers sa posibilidad na mapadali ang money laundering sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng online gambling industry sa bansa.

Sa kanyang naging privilege speech kagabi, Setyembre 23, inakusahan ni Barbers ang mga Chinese nationals sa paggamit ng Philippine offshore gaming operators (POGO) bilang “front” sa kalakaran ng iligal na droga at money laundering.

“What irked me most, Mister Speaker, is that the Chinese nationals engaged in gambling-related crimes have gone too far in disturbing our country. They are into illegal drugs and dirty drug money laundering,” ani Barbers.

Iginiit ni Barbers na mapanganib ang online gambling dahil sa kakayahan nitong mabago ang money laundering process sa bansa, kung saan sa internet ay maaaring gawing “anonymous” ang mga transaksyon.

Nauna nang hinimok ng China ang Pilipinas na ipatigil ang lahat ng mga online gambling operations sa bansa, matapos na naiugnay ang naturang industriya sa money laundering, kidnapping, at extortion.

Pero sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang planong ipagbawal ang mga POGO, na nakapag-ambag ng P551 billion sa ekonomiya kada taon.

Subalit naniniwala si Barbers na kalakip ng paglago ng online gambling industry ay ang negatibong epekto naman nito sa kampanya ng Duterte adinistration kontra iligal na droga.

“If not prevented, the successful laundering of said US$30.3 billion to US$61.4 billion annual drug money means more drugs, more crime, and more violence because they will be used by the criminal syndicates to finance their operations, expand their illegal trade and undertake new illicit ventures,” dagdag pa nito.