Welcome sa Makabayan bloc lawmakers ang paglabas ng Supreme Court ng show cause order laban sa dating spokesperson ng NTF ELCAC na si Ms. Lorraine Badoy.
Sinabi ni Castro sumusobra na kasi si Badoy at wala itong takot na pagbantaan ang isang huwes.
Nais ng mataas na hukuman na magpaliwanag si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lorraine Badoy kung saan siya ay nagbanta kay Manila Judge Marlo Magdoza-Malagar.
Binigyan ng Korte Suprema ng 30 araw si dating NTF-ELCAC spokesperson Badoy upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat i-cite in contempt kaugnay ng mga banta niya laban Judge Malagar.
Kahapon isang grupo ng mga abugado ang hiniling sa Supreme Court na i-cite for contempt ang dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC.
Sinabi ni Ex-PH Bar Association Pres. Rico Domingo dapat mapangalagaan ang kalayaan ng hudikatura.
” Welcome po sa atin ang paglabas ng SC ng show cause order kay Ms. Lorraine Badoy Partosa, dahil nakita naman natin na parang overboard, lumagpas na siya sa kaniyang dapat na ginagawa. Dapat ginagalang niya yung judge yung independence ng juiciary kung meron man siyang problema duon dapat gawin niya ito in a proper way,” pahayag ni Castro.
Samantala, patuloy na isusulong ng ACT Teachers Partylist ang pagtaas ng sweldo ng mga guro sa buong bansa.
Ito ang binigyang-diin ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa panayam ng Bombo Radyo.
Sinabi ni Castro dapat lamang suklian ang mga sakripisyo ng mga guro lalo na at nasa pandemya pa rin ang bansa.
Binigyang-diin ni Castro, na hindi sila titigil na kalampagin ang gobyerno hanggat tumaas ang suweldo ng mga guro sa salary grade 19.
Isinumite din sa Kamara nitong Martes ang petisyon ng higit 57,000 guro at education support staff para itaas ang sahod ng mga nagtatrabaho sa sektor ng edukasyon sa bansa. Hiling nila na ipantay sa entry level salary ng mga nurse, pulis, at sundalo ang minimum wage ng teachers.
Kasama din sa petisyon ang mga guro sa pribadong paaralan na humihiling na itaas sa 30,000 pesos ang kanilang sweldo kada buwan.