-- Advertisements --

Malaking hamon sa liderato ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay ang implementasyon ng bagong batas ang anti-terror law lalo na at nasa Covid 19 pandemic pa rin ang bansa.

Siniguro ng AFP chief na kanilang ipatutupad ng maigi ang nasabing batas na walang paglabag sa karapatang pantao.

Aniya, may mga inputs silang ibibigay sa pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa anti-terror law gaya ng intelligence sharing, pagpapalakas sa maritime security, pag curb sa radicalism at pag regulate sa paggamit ng social media.

Target din ng militar na tuluyan ng mawalan ng capabilities ang ibat ibang threat groups sa bansa ng sa gayon magtuloy tuloy na ang peace and development sa mga tinaguriang conflict areas sa bansa.

Sinabi ni Gapay isa sa kaniyang prayoridad ay ang paglaban sa terorismo bukod sa pagtutok sa pagbabantay ng seguridad sa teritoryo ng bansa, pagresponde sa kalamidad at iba pa.

Tiniyak din ni Gapay sa publiko na magpapatuloy ang kanilang suporta para labanan ang pagkalat ng nakamamatay na virus ang Covid-19.