Matapos pumutok ang mga isyu at concerns sa kampaniyang Brigada Eskwela na idinaraos sa buong bansa, nagpasya ang Deparment of Education (DepEd) na itigil ang pagkilala sa best implementers ng naturang programa ngayong school year.
Base sa inilabas na Memorndum No. 20 series of 2023 ng ahensiya, wala ng cerificates of recognition na igagawad sa mga school heads at mga guro na may kaakibat na puntos para sa mga outstanding accomplishment para sa promotion at office o individual performance.
Sinabi ni Education Undersecretary Revsee Escobedo, na sa ilalim ng bagong polisiya para sa Brigada Eskwela, lahat ng pampublikong paaralang sa elementarya at sekondarya ay makakatanggap ng certificate of recognition para sa pagsunod at pagtratrabaho kasama ang mga partner ng mga ito na nagbigay ng suporta sa kampaniya.
Ang school division office level recognition naman ay nakatuon sa partners at stakeholders para sa kanilang boluntaryong kontribusyon at partisipasyon sa Brigada Eskwela.
Bagamat hindi binaggit ng ahensiya ang mga isyu at concerns na nagudyok sa naturang pagbabago sa programa, una ng inireklamo ng ilang public school teachers na napipilitan silang manghingi ng suporta mapa-cash man o in kind dahil sa aspeto ng kompetisyon para sa nasabing pagkilala at dumarating pa sa punto na gumagamit ang mga ito ng kanilang sariling pera para lamang mapaganda ang kanilang silid-aralan. Sa katunayan ang ilan sa mga ito pabirong tinatawag na ang kanilang sarili bilang solicitors general.
Una ng inilunsad ang Brigada Eskwela noong 2003 o ang National Schools Maintenance Week Program na naghihimok sa pampublikong paaralan na makiisa sa local communities at mga organisasyon mula sa public at private sectors sa pagsasagawa ng mga pagkumpuni ilang linggo bago ang pagbubukas ng mga klase.
Na-institutionalize ito noong 2008 sa pamamagitan ng DepEd Order No. 24 kung saan ginawang kada taon ang programa at permanenteng bahagi na ng school calendar.