-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang resulta ng OCTA Research survey na nagpapakita na kinikilala at pinahahalagahan ng publiko ang Armed Forced of the Philippines (AFP) at ang mga ginagawa nito upang maproteksyunan ang bansa.

“I am particularly heartened to learn that awareness of the AFP has reached a universal mark of 100% among adult Filipinos, increasing from 89% in October 2023. This universal awareness is a clear indication of the AFP’s prominent role and presence in our national consciousness,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Batay kasi sa survey results nakakuha ng overwhelming majority, 86% sa respondents, ay satisfied sa mga ginagawa ng AFP kung saan na maintain nito ang high net satisfaction rating na +84.

Ang pagkalugod sa ginagawa ng AFP, batay sa survey, ay hindi nalalayo sa +83 porsyento na nakuha nito sa survey noong Oktobre 2023.

Ang mataas na rating ay naglagay umano sa AFP sa listahan ng pinaka pinagkakatiwalaan at top performing agency ng gobyerno noong 2023, ayon sa OCTA Research.

Nagpasalamat din si Speaker Romualdez sa mga tauhan ng AFP sa kanilang hindi matatawarang pagseserbisyo at sakripisyo sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan ng bansa.

Muli rin nitong iginiit ang pangako ng Kamara na susuportahan ang AFP sa kanilang misyon na ipagtanggol ang bansa.