-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan ni Russian President Vladimir Putin ang nangyaring pagkasunog ng tawiran o tulay na nagko-konekta sa Crimean peninsula at Russia.

Ayon kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov, nakarating na kay Putin ang nangyaring sunog sa tulay kung kaya’t ipinag-utos nito ang pagsaggawa ng imbestigasyon.

Sinisi naman ng Crimean parliamentary speaker na si Vladimir Kontantinov ang nangyaring pagsabog sa Ukraine.

Idinagdag pa niya na ang pinsala sa tulay ay “madaling maibabalik, dahil hindi ito seryoso”.

Ang 19km (12-milya) na tulay sa buong Kerch Strait ay binuksan ni Pangulong Vladimir Putin noong 2018, apat na taon matapos iligal na isama ng Moscow ang Crimea.

Sinasabing ito ay isang pangunahing target para sa mga pwersang Ukrainian na umaatake sa logistik ng Russia.

Ang pagtawid ay higit sa 100 milya mula sa teritoryong hawak ng Ukrainian.

Sinabi naman ng ilang explosives expert na ang sunog ay malamang na hindi sanhi ng isang missile.

Posibleng pinagplanuhan ang nasabing pang-aatake.

Napag-alaman na ang nangyaring pagsabog ay nagdulot ng pagkasunog ng mga oil tankers sa rail section at gumuho ang kalsada.

Sa ngayon, hindi pa direktang inaangkin ang pananagutan ng Ukraine sa nangyaring pagsabog.