Dalawang foreign ambassador ang nagpahayag ng pagkaalarma sa mga ulat ng pagkasira ng yamang dagat sa West Philippine Sea, kung saan sinabi ng militar ng Pilipinas na malamang na nasa likod nito ang mga sasakyang pandagat ng China.
Sinabi ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, ang pinsala sa seabed ay nakakapinsala sa mga ecosystem at negatibong nakakaapekto sa mga kabuhayan sa karagatan.
Aniya, nakikipagtulungan ang US sa mga kaalyadong bansa upang protektahan ang likas na yaman ng Pilipinas.
Sa kabilang banda, inilarawan ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa ang kontrobersiya sa yamang dagat sa bahagi ng West Ph Sea na nakaka-alarmang balita habang hinimok niya ang lahat na protektahan ang mga mahahalagang ecosystem sa karagatan.
Matatandaan na itinuring ng China ang post ng Japanese envoy bilang “disinformation.”
Kamakailan ay sinabi ng PCG na makikipagtulungan sila sa mga eksperto mula sa University of the Philippines Marine Science Institute upang masuri ang mga nasirang coral reef sa Rozul Reef at Escoda Shoal.
Sinabi ng tagapagsalita ng PCG na si Jay Tarriela na mula Agosto 9 hanggang Setyembre 11, namonitor nila ang 33 Chinese maritime militia vessels sa Rozul Reef, at 15 pa sa Escoda Shoal.