-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lalo pang pinalalakas ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang mga hakbang upang mabilis na makamit ang herd immunity.

Kamakailan ay itinurn-over ng pamahalaang panlalawigan sa 15 bayan ang mga Ice-Lined Refrigerator o ILR.

Ito ay gagamitin upang makapag-imbak ng mas maraming COVID-19 vaccines ang mga Rural Health Unit o RHU.

Nabatid na bawat ILR ay nagkakahalaga ng P260,000.

Kaugnay nito, umaasa ang Provincial Government na lalo pang dadami ang suplay ng bakuna sa lalawigan at maraming indibidwal pa ang makikinabang nito.

Samantala, base sa Pebrero 16, 2022 na datos ng Integrated Provincial Health Office o IPHO, nasa 58.63 porsyento na ang vaccination coverage sa probinsya.

Ito ay katumbas ng 637,442 na fully vaccinated individuals.