-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ngayon ng Manila Police District sa pagkamatay ng isang bilanggo sa loob mismo ng piitan ng Ermita Police Station.
Sa ngayon ay hindi muna isinapubliko ng Manila Police District Homicide Section ang pagkakakilanlan ng nasawing bilanggo na naaresto naman noong Pebrero 19 nang dahil sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law.
Ayon kay MPD Homicide Chief Dennis Turla, nagawa pang maisugod sa pagamutan ang naturang bilanggo matapos itong indahin ang matinding sakit ng kaniyang ulo at tiyan.
Ngunit kalauna’y idineklara rin ng mga doktor na binwain na ng buhay.
Samantala, sa ngayon ay patuloy pa ring hinihintay ng MPD ang magiging resulta ng autopsy isinagawa ng mga labi ng biktima.