-- Advertisements --
Ang pagkalunod ang sanhi ng kamatayan ng isang recruit ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Nobyembre 16.
Sa inilabas na resulta ng otopsiya na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang pagkawala ng suplay ng oxygen sa utak ng biktimang si Mori Caguay dahil sa pagkalunod na nagdulot ng kaniyang kamatayan.
Wala ring nakita ang NBI ng anumang sugat na maaring sanhi ng kamatayan nito.
Magugunitang nalunod si Caguay habang ito ay sumasailalim sa Water Search and Rescue Training ito sa Cavite.
Tiniyak naman ng PCG na kanilang papanagutin ang mga trainers na responsable sa kamatayan ni Caguay.










