-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Court of Appeals (CA) ang pamahaalan hinggil sa pagkakadawit ng pangalan ni Leyte Rep. Vicente “Ching” Veloso sa kontrobersyal na narcolist.

Kasunod ito ng hindi pagtanggap ng CA sa argumento na ang pagbibigay ng records sa drug wae investigations ay lalabag sa nationbal security.

Sa 42 pahinang desisyon, inatasan ng Former Special Eight Division ng CA ang law enforcement agencies na maglabas ng impormasyon kaugnay nang pagkakasali sa pangalan ni Veloso sa mga pulitikong sangkot sa illegal drug trade.

Una rito ay binaliktad ng CA ang kanilang naunang desisyon na ibalik ang petisyon sa Office of the Ombudsman kung saan nakabinbin ang administrative complaint laban kay Veloso dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illicit drug business.

“We hereby order the respondents to submit directly to the Court all information, data, documents and records that they collected, stored, and processed pertaining to the person of the petitioner, in connection with the investigation or operation that they conducted that led to his inclusion in the 14 March 2019 narco list,” pahayag ng CA.

“If the Court finds any or all of the information, data, documents, and records to be privileged or qualified within the precepts of the above-discussion, then…these data and information shall remain privileged,” dagdag pa nito.

Inalis ang pangalan ni Veloso na sa isinapublikong narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2019 sa Davao City.

Matapos nito ay nagpasaklolo si Veloso sa Supreme Court para ihirit na ilabas ang ebidensya na sangkot ito sa iligal na gawain.