-- Advertisements --

Pinatitiyak ng isang kongresista sa pamahalaan na panatilihing updated ang database sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino upang sa gayon ay matiyak ang mabilis at epektibong pagpapahatid ng financial aid sa tuwing mayroong krisis sa bansa.

Sinabi ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera na kung mayroong database ay maiiwasan ang pagkakaroon ng “unnecessary delay” sa distribution ng cash assistance sa pamilyang Pilipino katulad sa nangyaro sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan kung.

Dapat fully accessible sa isang website ang database na ito para magkaroon ng transparency at accountability.

Tanging mga nararapat lamang na makatanggap aniya ng financial assistance ang dapat na mapasama sa database, at hindi ang mga unqualified relatives at supporters ng mga barangay officials.

-- Advertisement --

Kasabay nito, hinimok ni Herrera ang pamahalaan na bilisan ang implementasyon ng national identification system upang matiyak ang mas mabilis na health at calamity response sa hinaharap.