Kumbinsido ang Malacañang na isang lehitimong police operations ang pagkakapatay ng mga otoridad sa 14 apat na magsasaka sa magkakahiwalay na lugar sa Negros Oriental.

Taliwas ito sa alegasyon ng human rights group na ang insidente ay isa umanong massacre.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mayroong mga search warrant laban sa mga biktima na hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Sec. Panelo, kapag mayroong warrant na inisyu ang hukuman, ibig sabihin ay lehitimo ang ginawang operasyon ng mga pulis sa subject ng search warrant.

Inihayag ni Sec. Panelo na may prosesong sinusunod ang hukuman maging ang mga otoridad sa nagpapatupad ng batas.