-- Advertisements --

Posibleng magiging paborable sa Pilipinas ang pagkakahanay nito sa Group A para sa FIBA World Cup 2023.
Nakahanay kasi ng Pilipinas bilang mga kalaban ang Italy, Dominican Republic, at Angola.
Paborable ang ilang mga Basketball analysts sa bansa na kakayanin ng Gilas Pilipinas na talunin ang dalawa sa mga ito: ang 23rd rank na Dominican Republic, at ang 41st rank na Angola.
Sa likod nito, maaaring mahirapan naman ang Gilas na talunin ang Italy, dahil isa ito sa mga powerhouse team sa buong mundo.
Ang Italy kasi ang pang-sampu sa may pinakamagandang Basketball program sa buong mundo.
Sa ganitong scenario, maaaring umusad ang Gilas sa pangalawang round ng FIBA, at mag-aangat sa world ranking nito sa buong mundo.










