Inaasahan ang patuloy na pagbagal ng galaw ng cryptocurrency market sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Sa panayam ng Star FM Roxas kay Christian Jay Azucena, isang crypto trader at market analyst, sinabi nito na mabagal ang trading activity sa kasalukuyan.
Ayon kay Azucena, nananatiling maingat ang mga traders at investors, at posibleng bumalik lamang ang sigla ng merkado kapag natapos na ang alitan sa rehiyon.
Dagdag pa niya, noong unang bahagi ng Abril ay nagpahayag ang Iranian authorities na tatanggap sila ng bayad gamit ang cryptocurrency mula sa mga oil ships na dadaan sa Strait of Hormuz.
Samantala, may mga barko na umano ang nakapagbayad gamit ang digital currency, kasabay ng anunsyo ni Donald Trump hinggil sa pag-freeze ng humigit-kumulang 344 milyong US dollars na halaga ng digital assets upang madagdagan ang economic pressure laban sa Iran.
Sa kabila nito, apektado rin ang mga local crypto traders sa Pilipinas dahil sa direksyong tinatahak ng global cryptocurrency market.
















