-- Advertisements --

Ititigil na ng South Korea ang kanilang tradisyonal na pagkain ng mga karne ng aso.

Ayon kay Yu Eui-dong ang policy chief ng ruling People Power Party na kanilang tatanggaling ang matagal na tradisyon dahil sa lumalawak na kaalaman sa animal rights.

Dumarami na rin ang mga bumabatikos sa nasabing tradisyon lalo na yung mga nasa makabagong henerasyon.

Sinabi naman ni Agriculture Minister Chung Hwang-keun na kanilang ipapatupad agad ang pagtigil sa pagkain ng mga karne ng aso at kanilang bibigyan ng ibang mga pagkakakitaan ang mga negosyanteng nagbebenta ng karne ng aso.

Isa kasi si first lady Kim Keon Hee sa mga kritiko ng pagkain sa mga karne ng aso kasama ang asawang si President Yoon Suk Yeol kung saan sila ay nag-ampon pa ng mga asong gala.