Philippine Coast Guard

Aminado ang Philippine Coast Guarad (PCG) na wala na silang nakikitang palantaan ng survivors sa lugar kung saan nabangga ang fishing boat na FV Liberty 5 ng Hong Kong vessel na MV Vienna Wood sa karagatan ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Pero sa kabila nito, umaasa ang PCG na dahil sa malakas na habagat ay posibleng mapapadpad ang 14 na mangingisdang mga Pinoy sa coastline ng Mindoro.

Nilinaw din  ng PCG na hindi pa nila maaaring ideklarang patay ang missing na mga tripulante.

Anila, masyado pang maaga para sabihin na patay na ang mga ito at umaasa pa rin sila  na buhay ang 14 na missing.

Samantala, naniniwala naman si PCG Commandant Vice Admiral George Ursabia, na aksidente lamang ang nangyari at hindi sinadyang banggain ang naturang fishing vessel ng Hong Kong-flagged bulk carrier.

Aniya, ang lugar na pinangyarihan ng insidente ay tinatawag na sea lane o highway sa dagat na daanan ng mga sasakyang pandagat.