Nagbabala si Sen. Juan Edgardo Angara nitong araw hinggil sa negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa sa oras na maantala ang pag-apruba sa pambansang pondo para sa susunod na taon.

Inihalimbawa nito ang delay sa approval ng 2019 budget na nagresulta aniya sa limited economic growth ng bansa.

Anim na buwan kasi dumipende ang pamahalaan sa isang reenacted budget kaya walang bagong construction projects bukod pa sa negatibong epekto nito sa ekonomiya.

Dahil dito, sinabi ni Angara, ang chairman ng Senate Finance Committee na target nilang ipasa ang budget sa Disyembre 31 ng taong kasalukuyan upang sa gayon ay masimulan na rin kaagad ang mga proyekto ng pamahalaan sa Enero 2020.

“Importante by December 31, 2019 napasa na yung 2020 budget. Para pagpasok sa January 1, meron na tayong bagong budget at yung mga projects ng gobyerno ay ongoing na dapat,” ani Angara.