Binigyang diin ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang kahalagahan ng pagtangkilik at pagsuporta sa lahat ng programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa disaster resilience.
Ginawa ni Legarda ang pahayag kasunod ng paggunita ng National Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.
Ayon sa sendora , kinakailangan na maging proactive ang lahat ng mga bansa sa paghahanda sa anumang epekto ng mga kalamidad.
Lalong lalo na aniya ang Pilipinas dahil madalas tayong bisitahin ng mga sakuna katulad na lamang ng bagyo na hindi maiiwasang dumaan sa ating bansa.
Nanawagan rin si Senador Legarda sa mga Local Government Units na gumawa ng mga hakbang upang makapag tipid ng tubig ngayon na may naka ambang El Niño phenomenon sa bansa.
Aniya, suportado nito ang El Niño mitigation plan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layuning makapaghanda ang bansa sa maaring epekto ng tagtuyot.
Nanawagan rin ang opisyal sa mga kinauukulan na tiyakin ang mga gusali at mga imprastraktura sa bansa na tamang nakakasunod sa mga itinakdang building standards ipang masiguro na makakayanan nitp ang anumang pagyanig ng lupa.
Dagdag pa nito, napaka halaga rin aniya na matiyak na ang lahat ng mga Pilipino ay may kakayahang umiwas sa mga kalamidad at sakuna.