-- Advertisements --
Menardo Guevarra

Ipinaliwanag ng Department of Justice (DoJ) na kailangan pa ring pairalin ang rule of law at hindi puwedeng agad mang-aresto ang mga otoridad sakaling may magsampa ng impeachment complaint laban Kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang reaksiyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa naging pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde kaugnay sa kahandaan ng PNP na arestuhin ang mga maghahain ng impeachment complaint kay Duterte sakaling iutos mismo ito ng pangulo.

Ipinaliwanag ng kalihim na ang paghahain anya ng impeachment complaint ay isang lawful act kung mayroon itong sapat na batayan.

Nauna nang naungkat ang usapin ng impeachment laban kay Pangulong Duterte dahil sa naging pahayag nito na papayagan ang mga Chinese na mangisda sa West Philippine Sea, dahil magkaibigan ang China at Pilipinas.

Matapos nito ay sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na dahil diyan ay maaaring masampahan ng impeachment complaint ang pangulo.