-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Binigyan lamang ng pitong araw ang grupo ni Pastor Neri Mabulo Clam para hulugan ng malalaking bato ang mahigit isang daang talampakang hukay sa compound na pagmamay ari nito sa Purok 11 Barangay Apopong nitong lungsod.

Ito’y matapos hindi kumbinsido ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology nitong lungsod na tubig ang pakay sa paghuhukay subalit treasure hunting umano ang ginagawa ng grupo ni Pastor Clam na lider ng isang Non-governmental organization (NGO) na Bantay Bayan dito sa lungsod.

Ayon kay Jail Senior Inspector Nehemias De Quia, Deputy Jail warden ng General Santos City Reformatory Center na masyadong delikado sa kanila ang ginagawang paghuhukay dahil masyadong malapit ito sa jail facility na posibleng aabot sa loob ng jail faciltiy ang paghuhukay at gagamitin sa posibleng pagtakas ng mga preso lalo na ang mga high profile inmates.

Matatandaang isang Pastor ang nasawi matapos natabunan ng lupa sa ginagawang treasure hunting sa Barangay Fatima nitong lungsod.