-- Advertisements --

Mayroong magandang epekto sa mga Business Process Management (BPM) company ang paghina ng peso kontra dollyar.

Sinabi ni IT-BPM Process Association of the Philippines (IBPAP) president Jack Madrid ang nasabing paghina nito ay paborable sa nasabing mga kumpanya.

Nasa 70 porsyento kasi ng kanilang negosyo ay mula sa North America.

Dahil din ito ay malakas ang demand ng kanilang talent mula sa Asia-Pacific region.

Tiwala ito na lalago ang kanilang industrya sa loob ng ilang taon.