-- Advertisements --
download 1 3

Inanunsyo ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran na on track pa rin ang paghahatid ng BrahMos supersonic missile sa bansa.

Hindi ipinaliwanag ng envoy kung kailan gagawin ang paghahatid sa kabila ng mga naunang ulat na darating ang mga missile sa Disyembre.

Tinukoy din ni Kumaran ang pahayag ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana kung gaano kalaki ang dagdag na tulong ng mga supersonic missiles na ito sa militar ng Pilipinas.

Matatandaan na nilagdaan ni Lorenzana ang $375 milyon o humigit-kumulang P21.03 bilyon na kasunduan sa BrahMos Aerospace noong 2022 para sa tatlong baterya ng Brahmos anti-ship missiles.

Ayon sa ambassador ng India, ang paghahatid ng BrahMos missile ay magpapahusay sa kakayahan sa pagtatanggol ng Pilipinas sa gitna ng mga kasalukuyang sitwasyon.

Idinagdag niya na sinusuportahan din ng New Delhi ang plano ng Maynila na lumikha ng isang maaasahang defense posture.

Una nang ibinihagi ni Kumaran na nagbigay ng pahayag si Defense Secretary Teodoro tungkol sa pangangailangan na lumikha ng kapasidad sa loob ng Pilipinas para sa paggawa ng mga kagamitan sa pagtatanggol ng bansa.