CENTRAL MINDANAO – Pasado na sa third reading sa kongreso ang House bill 6413.

Ito ay bahagi ng panukalang unang inihain ni 2nd Dist. Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu sa paghahati sa probinsya ng Maguindanao sa dalawang magkaibang probinsya (Northern Maguindanao at Southern Maguindanao).

Bago ito isinulong din ni Ist District Cong. Ronnie Sinsuat sa Kongreso ang panukalang paghahati sa Maguindanao.

Suportado ng lahat ng mga mambabatas sa kongreso ang House bill 6413 na may botong 231 affirmative, zero abf negative at zero rin ang abstention.

Paliwanag ni Mangudadatu, ang House bill 6413 ay para sa tuluy-tuloy at maayos na proseso tungo sa pagkamit ng pangarap na pinaghati pero mas pinalakas na Maguindanao.

Nagpasalamat naman ang mambabatas sa lahat ng mga sumuporta sa panukala sa Kongreso at mamamayan ng Maguindanao.