-- Advertisements --
image 97

Sinuspinde muna ngayong araw ang paghahanap sa lalaking nawawala matapos lumangoy sa Marikina River.

Si Jerome Racelis, 22 at residente ng Barangay Tumana, ay tumalon sa ilog para lumangoy noon Huwebes ng hapon.

Ayon kay Marikina Rescue 161 chief Dave David, masyadong delikado ang panahon para ipagpatuloy ang paghahanap sa ngayon.

Sinabi naman ng ina ni Racelis na ang kanyang anak ay hindi lasing at marunong lumangoy. Aniya, humihingi pa nga raw ito ng tulong pero walang makasagip dahil sa lakas ng ulan, hangin at agos ng tubig.